Si Shoghi Effendi (1897-1957)

Sa kanyang Will at Testament, itinalaga ni ‘Abdu’l-Baha ang Kanyang pinakamatandang apo na lalaki, si Shoghi Effendi Rabbani, na kapalit niya bilang pinuno o “Guardian” ng Baha’i Faith.

Pinangasiwaan ni Shoghi Effendi ang malakihang pagpapalawak ng Baha’i Faith.
Iginugol niya ang 36 taon sa sistematikong pangangalaga ng pag-unlad, pagpapalalim ng pang-unawa, at pagpapatibay sa pagkakaisa ng pamayanang Baha’i, habang ito ay nagiging maunlad upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng buong sangkatauhan.Mula sa 35 na mga bansa noong 1921, ang Baha’i Faith ay lumaganap sa mahigit na 200 na mga bansa, teritoryo at mga kolonya hanggang sa panahon ng kanyang pagyao noong 1957.