Ang Buhay ng Espiritu
Ipinaliliwanag ng kasulatang Baha’i na ang bawat tao ay naipagkalooban ng isang hindi namamatay na kaluluwa, na kung saan ang pagkaunawa nito ay higit pa sa ating may katapusang kaisipan.
Ipinaliliwanag ng kasulatang Baha’i na ang bawat tao ay naipagkalooban ng isang hindi namamatay na kaluluwa, na kung saan ang pagkaunawa nito ay higit pa sa ating may katapusang kaisipan.
Sa kalagitnaan ng ika-labing siyam na siglo, inatasan ng Diyos si Baha’u’llah, na ang kahulugan ay “Luwalhati ng Diyos”, na dalhin ang karugtong ng pahayag ng Diyos sa sangkatauhan. Sa loob ng 4 na dekada, dumaloy sa kanyang pluma ang libo-libong mga taludtod, mga liham at mga aklat, sa kanyang mga kasulatan, binanghay niya ang balangkas ng pag-unlad ng pandaigdigang kabihasnan na tumutugon sa espiritwal na bahagi at sa kahulugan ng buhay ng tao.
Ang konsepto ng training institute ay sinimulan ng Universal House of Justice noong kalagitnaan ng 1990s. Ang layunin ay upang tumulong sa indibiduwal na palalimin ang kanilang pang-unawa sa mga katuruang Baha’i, at magkamit ng espirituwal na mga kabatiran at praktikal na kasanayan na kakailanganin sa pagsasagawa ng gawain sa pamayanan.