Sa Pilipinas, ang mga Bahá’í at kanilang mga kaibigan ay kasapi sa isang sistematikong pag-aaral sa mga salita ng Diyos, na nagtataglay ng isang nakapagbabagong buhay na lakas. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng munting mga grupo sa komunidad na siyang kaagapay ang isang guro at nagaganap sa isang kapaligirang parehong seryosos at masigla. Habang nilalayon ng mga kasapi na isakatuparan and proseso ng gawa , pagmumuni at konsultasyon nga mga bagong pang-unawa na kanilang natamo, lumalakas din ang kanilang kakayahan na itaas ang antas ng pagsisilbi sa lipunan .
Ang mga kasapi sa study circles ay ginagabayan na aktibong makiugnay sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman, kakayanan at espiritwal na pang-unawa na siyang maggiging daan para sila ay maging epektibong kayamanang pantao at kasangkapan sa pagbabago.