Si Baha’u’llah at ang Kanyang Kasunduan

Sa buong kasaysayan, ang mga dakilang relihiyon ang nagbigay ng pangunahing lakas na tumulong hubugin ang kabihasnan ng katangian ng tao; himukin sa kanilang mga tagasunod sa disiplina sa sarili, debosyon at kagitingan. Ayon sa katayuan ng lipunan, marami sa mga moral na pinsipyo ng relihiyon ang nabigyang kahulugan sa pangkalahatang pangunahing alituntunin na pamunuan ang relasyon ng mga tao at ng pag-unlad.

Tuwing dumarating ang isang Mensahero/Tagapagbalita ng Diyos , isang higit na mataas na antas ng inspirasyon para sa susunod na yugto/antas ng pag-usbong at pag-unlad ng sangkatauhan ay napapalaya.   Ang isang tao sa kanyang payak na kabaitan ay inaanyayahan na maging tagapagsalita ng Diyos . Iniisip natin si Moses na nakatayo sa Lumiliyab na palumpon, si Buddha na tumanggap ng paliwanag sa ilalim ng puno ng Bodhi, sa Banal na Espititu na bumababa kay Jesus tulad ng kalapati, o ang arkanghel na si Gabriel na nagpakita kay Mohamad.

Sa kalagitnaan ng ika-labing siyam na siglo, inatasan ng Diyos si Baha’ui’llah, na ang kahulugan ay “Luwalhati ng Diyos”, na dalhin ang karugtong ng pahayag ng Diyos sa sangkatauhan. Sa loob ng 4 na dekada, dumaloy sa kanyang pluma ang libo-libong  mga taludtod, mga liham at mga aklat, sa kanyang mga kasulatan, binanghay niya ang balangkas ng pag-unlad ng pandaigdigang kabihasnan na tumutugon sa espiritwal na bahagi at sa kahulugan ng buhay ng tao.

Ang sabi ni Baha’u’llah, “Hindi ko hinangad ang makamundong kapangyarihan. Ang layunin ko lamang ay maghatid sa mga tao kung ano ang inutos sa akin na ibigay sa kanila.” 

Si Baha’u’llah ay nagtiis sa loob ng apatnapung taon ng pagkakapiit, pagpapahirap at pagpapatapon dahil sa pagdadala ng pinakahuling mensahe mula sa Diyos para sa sangkatauhan. Ngayon, ang kanyang buhay at misyon ay lalong nakilala sa buong daigdig. Milyung-milyon katao ang natututong isagawa ang kanyang katuruan sa kanilang buhay at sa kanilang pamayanan para sa pagpapabuti ng daigdig.