RADYO BAHA’I – PILIPINAS
Ang Radyo Baha’i Philippines na pag-aari at pingangasiwaan ng Dawnbreakers Foundation, Inc., isang organisasyon na hindi pampamahalaan at hindi pinagkikitaan, na rehistrado sa Securities Exchange Commission at awtorisadong magsahimpapawid ng National Telecommunications Commission sa transmission power na isang kilowatt (1 kW) sa 1584 kHz sa AM band.
Ang Radyo Baha’i ay matatagpuan sa isang bukirin na barangay sa Bulac, Talavera, Nueva Ecija at ito ay kasapi din ng KBP, ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Layunin ng Radyo Baha’i na palawakin at itaguyod ang espiritwal, panlipunan, pang-ekonomiya at pangkabihasnan na kaunlaran ng mga indibidwal, mga institusyon at mga pamayanan na naabot nito.
Ang programang Devotional Hour sa umaga ay nagsasahimpapawid ng mga awitin, dasal at mga sipi mula sa Banal ng mga Kasulatan na tumutugon sa pinakananais ng puso na mapalapit sa Diyos. Ito ay sinusundan ng Institute Hour na Programa na naglalaman ng pag-aaral at paglilingkod, pang-bata at pang junior youth na mga drama na nagpapaunlad ng espiritwal at pangkaisipang kakayahan na tumutulong sa mga kabataan na maging aktibong makilahok sa mga gawaing pampamayanan. Ang programang Community Hour ang nagbibigay daan sa mga talakayan at balita sa nayon, programang pang-agrikultura, pangunahing kalusugan, pangangalaga ng kapaligiran, at parenting program. Kasunod nito ang Culture Hour na nagbubukas sa isipan ng isang kulturang matuto at pagpapalago, pag-unlad ng kabihasnan at sa bawat takdang oras ay may pagbati at public service announcement, ulat ng panahon at pangkalahatang mga balita at mga piling awitin.
Karamihan din sa mga awitin na nai-record na ng Radyo Baha’i ay mula sa lokal na mga komposisyon na tumutulong na mapataas ang kamalayan sa nangyayari sa ating kapaigiran at kung paano makatulong sa pagtaguyod ng ikabubuti nito.
Ang Radyo Baha’i ay nagsasagawa ng taunang Tree Planting Activity sa pakikiisa sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Bayan ng Talavera, ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, at mga mamamayan sa pamaynan na nais makibahagi sa gawaing ito.
Sinisikap makamit ng Radyo Baha’i ang pananaw ng pagkakaisa sa mga magkakaibang aspeto ng pamumuhay ng pamayanan at kaunlaran.
Sa pamamagitan ng pagiging tinig ng pakikipagsanggunian o consultation, naliliwanagan ang mga kaisipan, mga kaugalian at magkakaibang pananaw sa pamayanan. Sa pamamagitan ng participatory approach sa mga programang naghahanda sa mga indibidwal sa mga gawaing pampamayan, ang radyo ay nagawang maabot ang mga nasa lokalidad sa pagtugon sa mga isyu, saloobin at mga hamon na patuloy na kinakaharap ng mga mamamayan; nagbubukas ng daan upang ang kanilang mga tinig ay marinig. Ang Radyo Baha’i ay nagsimulang magsagawa ng mga social discourses o forum kung saan ang mga nakikinig ay pinag-uusapan ang pagsulong at paglago ng kanilang mga kapwa at kultura, mga consultation at mga usapan tungkol sa mga may halaga at tumatawag na pansin na mga paksa na maaring maging daan patungo sa pagsulong ng isang mabuting kapaligiran.