… Ang pagkakaisa ng pamilya, ng tribo, ng malayang lunsod, at bansa ay sunod-sunod nang pinagsikapan at ganap nang naitatag. Ang pagkakaisa ng daigdig ay ang layunin na sinisikap na patunguhan ng isang naguguluhang sangkatauhan. Ang pagtatatag ng bansa ay nagwakas na. ….
Ang Pagpapahayag, na ang pinagmulan at sentro ay si Bahá’u’lláh, ay bhindi pinawawalang- bias ang alinmang mga relihiyon na nauna rito, ni hindi nito tinatangka, kahit na bahagya man, na pasamain ang kanilang mga katangian o maliitin ang kanilang kahalagahan.
… Sino, sa pagninilay-nilay sa kawalan ng pag-asa, sa mga pangamba, at mga paghihirap ng sangkatauhan sa panahong ito, ang maari pang mag-alinlangan sa pangangailangan para sa isang bagong paghahayag ng nakapagbibigay-sigla na kapangyarihan, ng nakakasagip na pag-ibig at patnubay ng Diyos? …
Pinakamamahal na mga kaibigan!Ang kawastuan ng ugali, ng sa lahat ng mga pinakikita nito , ay magbibigay ng isang kapansin pansing pagkakaiba sa panlilillang at kasamaanna nagtatangi sa pampulitikang buhay ng bansa at mga partido at mga pangkat na bumubuo dito……
Bagkus, ang sa atin ay ang tungkulin, gaanuman nakatataranta ang nagaganap, gaanuman kahapis-hapis ang pangkasalukuyang pananaw, gaanuman ang kasalukuyan ng mga bagay-bagay na ginagamit natin, na magsikapnang mapayapa, may pagtitiwala at walang humpay na ibinibigay an gating bahagi sa pagtulong, sa anumang paraan na magagawangibigay sa atinng mga pagkakataon,sa pagtipon ng mga lakas, na isinasaayos at pinatnubayan ni Bahá’u’lláh, na umaakay sa sangkatauhan mula sa lamabak ng kahirapan at kahihiyan patungo sa pinakamatataas na tugatog ng kapangyarihan at kaluwalhatian.