Ang pagpapabuti ng daigdig ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng dalisay at mabubuting mga Gawain, sa pamamagitan ng kapuri-puri at karapat-dapat na pag-uugali.
Sabihin: O mga kapatid! Hayaang mga gawa, hindi mga salita, ang inyong maging palamuti
Huwag magsalita ng masama, nang hindi mo marinig na iyon ay sabihin sa iyo, at huwag palakihin ang mga kamalian ng iba, nan gang iyong sariling mga kamalian ay hindi lumitaw na malaki…
At ngayon tungkol sa iyong katanungan tungkol sa kaluluwa ng tao at ang pagkabuhay nito matapos mamatay. Alamin mo ang katotohanan na ang kaluluwa, matapos ang paghiwalay nito sa katawan, ay magpapatuloy sa pag-unlad hanggang sa marating nito ang kinaroroonan ng Diyos, sa isang katayuan at kalagayan na hindi mababago ng pag-inog ng mga panahon at dantaon, ni ng mga pagbabago at pagkakataon sa daigdig na ito. Ito ay mananatiling hangga’t ang Kaharian ng Diyos, ang Kanyang dakilang kapangyarihan, ang Kanyang pamamahala at lakas ay nananatili.
Ipakikita nito ang mga palatandaan ng Diyos at ang Kanyang mga katangian, at ihahayag ang Kanyang mapagmahal na kagandahang-loob at biyaya.
Ang buong tungkulin ng tao sa Araw na ito ay makamit yaong bahagi ng bumabahang biyaya na ibinubuhos ng Diyos para sa kanya. Huwag isaalang-alang ng sinuman, kung gayon, ang kalakihan o kaliitan ng sisidlan. Ang bahagi ng ilan ay maaaring magkahusto sa palad ng isang kamay ng isang tao, ang bahagi ng ilan ay maaaring magkahusto sa palad ng isang kamay ng isang tao, ang bahagi ng iba ay maaaring pumuno sa isang tasa, at ang sa iba naman ay kahit isang galon.