Binigyang diin rin ni Bahá’u’lláh ang kahalagahan ng pagsasanggunian. Hindi natin dapat isipin na ang kapakipakinabang na paraan na ito sa paghanap ng mga kalutasan ay para lamang sa pampangasiwaang institusyon ng Kapakanan. Ang sanggunian ng pamilya ay giangamit ang ganap at tapat na pag-uusap, at binibigyang sigla ng kaalaman sa pangangailangan sa kahinahunan at panimbang, ay maaring maging panlunas sa lahat para sa away ng mag-anak. Ang mga maybahay ay di dapat magtangkang dominahan ang kanilang mga asawa, ni ang mga asawa sa kanilang mga maybahay.
( Mula sa 1 Agosto 1978 na liham para sa isang indibidwal na mananampalataya.)
Habang paparami nang paparami ang mga handang kaluluwa na tumatanggap sa Kapakanan ng Diyos at idinadagdag ang kanilang bahagi doon sa mga nakikilahok na sa pandaigdig na gawain na isinasagawa, ang pag-unlad at pagkilos ng indibidwal,ng mga institusyon at ng pamayanan ay tiyak na tatangap ng isang napakalakas na pasulong na tulak. Harinawang ang isang natatarantang sangkatauhan ay makita sa mga ugnayang nililikha sa pagitan nitong tatlong mga kalahok na sumusunod kay Bahá’u’lláh, ang isang paraan ng pangkalahatang pamumuhay na nagtutulak patungo sa mataas na tadhana nito. Ito ang aming marubdob na dalangin sa Banal na mga Dambana
(Mula sa 29 Agosto 2010 na liham para sa mga Baha’i ng daigdig)
Ang isa sa mga palatandaan ng pagkawasak ng lipunan sa lahat ng dako ng daigdig ay ang pagguho ng tiwala at pagtutulungan sa pagitan ng indibidwal at ng mga institusyon ng pamahalaan.
( Mula sa 25 March 2007 na liham para sa mga Baha’i ng daigdig)
Bagaman ang inyong mga realidad ay hinubog ng isang malawak na pagkakaiba iba ng mga kalagayan, gayunpaman ang hangaring magbunsod ng nakabubuting pagbabago at ang kakayahan para sa makabuluhang paglilingkod , na kapwa mga katangian sa yugto ng inyong buhay, ay hindi natatakda sa alinmang lahi o nasyonalidad, ni hindi rin nababatay sa materyal na mga kaparaanan.
( Mula sa 1 July 2013 na liham para sa mga kalahok sa 114 youth conference sa buong daigdig)