Ang panalanging tinatanggap nang lubos ay yaong iniaalay nang may sukdulang kabanalan at kaliwanagan, ang
pagpapahaba nito ay hindi inibig at hindi iibigin ng Diyos. Ang higit na Malaya at dalisa na panalangin ay higit na
tinatanggap sa piling ng Diyos ( PERSIANONG BAYAN VII, 9)
Nararapat na ang tagapaglingkod , matapos ang bawa’t panalangin ay sumamo sa Diyos na ipagkaloob ang
pagmamahal at kapatawaran sa kanyang mga magulang. At doon ang panawagan ng Diyos ay tinaas: ‘ Kung ano ang
hiniling mo para sa iyong mga magulang , libu-libo nito ang magiging gantimpala mo!”Pinagpala siya na naalaala
ang kanyang mga magulang kapag nakipagniig sa Diyos. Sa katunayan, walang Diyos maliban sa Kanya, ang
Makapangyarihan, ang Lubos na Minamahal. ( PERSIANONG BAYAN VIII, 16)
Alisin mo sa iyong sarili ang lahat ng pagkagusto maliban sa Diyos, payamanin ang sarili mo sa Diyos sa
pamamagitan ng paglayo sa lahat ng bagay malban sa Kanya, at bigkasin ang pananlanging ito:
Sabihin: Ang Diyos ay sapat sa lahat ng bagay at higit sa anumang bagay, at wala anumang bagay sa langit o sa lupa
o sa anumang nasa pagitan nila ang makakasapat liban sa Diyos, ang iyong Panginoon. Sa katunayan Siya sa Kanyang
Sarili ang Nakaaalam, ang Nagtatangkilik, ang Makapangyarihan sa lahat. ( halaw mula sa Ang Pitong Patunay)
HALAW MULA SA IBA’T IBANG KASULATAN
Ang Paraiso ay ang pagtatamo ng Kanyang mabuting- kasiyahan at ang walang hanggang apoy ng impiyerno ay ang Kanyang paghuhukom sa pamamagitan ng katarungan.
Lahat ng bagay ay pag-aari Niya at ginawa Niya. Lahat, maliban sa Kanya, ay Kanyang nilikha.