Kapag walang pagkamakatotohanan, ang pag-unlad at tagumpay sa lahat ng mga daigdig ng Diyos, ay ‘di-maaaring mangyari sa kanino mang kaluluwa.
O kayong minamahal ng Panginoon! Sa banal na Dispensasyong ito, ang pag-aaway at pagtatalo ay hindi sa anumang dahilan pinahihintulutan. Ang bawa’t mang-aaway ay pinagkakaitan ang kanyang sarili ng biyaya ng Diyos.
Kung sa guniguni’y gumuhit ang digmaan, salungatin iyon ng lalong malakas na kaisipan sa kapayapaan. Ang isang kaisipan ng pagkapoot ay dapat na wakasin ng isang lalong makapangyarihang kaisipan ng pag-ibit.
Walang bagay sa umiiral na daigdig ang mas matamis pa kaysa dasal. Ang tao ay dapat mamuhay sa isang kalagayan ng pagdarasal. Ang pinakabanal na kalagayan ay ang kalagayan ng pagdarasal at pagsusumamo. Ang pagdarasal ay ang pakikipag-usap sa Diyos. Ang pinakadakilang daganapan o pinakamatamis na kalagayan ay walang iba kundi ang pakikipag-usap sa Diyos. Ito ay lumilikha ng kabanalan, lumilikha ng kamalayan at makalangit na mga damdamin, lumalalang ng bagong mga pang-akit sa Kaharian at nagbubunga ng mga kakayahan ng higit na mataas na kaisipan.
Sa pinakamataas na anyo ng pagdarasal, ang mga tao ay nananalangin dahil lamang sa pag-ibig sa Diyos, hindi dahil sa sila ay natatakot sa Kanya o sa impiyerno, o sila’y umaasa ng biyaya o kalangitan… Kapag ang isang tao ay umiibig, hindi maaaring mangyari na hindi niya babanggitin ang pangalan ng kanyang minamahal. Gaano pa kahirap ang pigilan ang pagbanggit sa Pangalan ng Diyos kapag Siya ay napamahal na…Ang espiritwal na tao ay walang nahahanap na kasiyahan sa anuman maliban sa pagdiriwang sa Diyos.