Pinamamahalaan sa antas ng lokal, ang community school ay unti-unting lumalawak sa paglipas ng panahon, kadalasang nagsisimula sa antas ng preschool ang isang klase at nadadagdagan, sa bawat taon, ng grado at guro. Ang pag-angkin ng lokal na pamayanan sa community school ay waring siyang bumubuo sa matagumpay na pag-unlad nito.
Sa ngayon, ang ginagawa ng community school sa Pilipinas ay nagsasanay ng mga magiging guro at mga kasalukuyang nagtuturo ng mga community school sa buong bansa. Kasalukuyang mayroong pito na community school; Naga, Ligao, Iriga, Pinili, Villa Marina, Baguio, Tumbaga at mayroon ding pitong guro na kasalukuyang nagsisilbi sa ating programa. Minsan sa isang taon ginaganap ang pagsasanay sa mga guro. Mayroong mga curriculum na nakalaan na pinag-aaralan dito. Halimbawa, ang mabubuting mga katangian at saloobin na kinakailangan ng isang guro ay natatalakay, ang ugnayan sa pagitan paglilingkod at pagtuturo ay pinagninilaynilayan, at kasama rin sa curriculum ay ang, pagsasama-sama ng espirituwal, moral at materyal na bahagi ng edukasyon. Kadalasan, isang buwan ang itinatagal ng pagsasanay.
Ang bisyon ng programa ay matulungan ang local pamayanan na magtayo ng sarili nilang paaralan para sa mga batang nasa edad ng tatlo hanggang apat. Na kung saan ang paaralan na ito na natutugunan ang pang-materyal at pang-espirituwal na pangangailangan ng mga bata.
Sa pamamagitan ng pangkalahatang pagsisikap at pagsasagawa, maaring matamo ang nasabing bisyon. Mayroong tatlong field coordinator na siyang umiikot sa buong bansa at sinisikap na madalaw ang bawat pito na community school minsan sa tatlong buwan. Na ang layunin nila ay samahan ang mga guro sa kanilang mga klase at kasabay nito, ang pakikipag usap sa mga magulang, pamayanan at mga iba’t ibang indibiduwal at lokal na institusyon ang tungkol sa kahalagahan ng suporta nila sa kanilang sariling paaralan.
Sa tulong ng lokal na institusyon at mga kaibigan sa pamayanan at sa patuloy na pakikipag-ugnayan, natututunang basahin ng mga field coordinator ang realidad ng community o cluster. Pumipili ang agency o sangay, kasama ang gabay ng OSED (Office of Social and Economic Development) ng isa sa mga malalakas na cluster, upang maituon ang atensyon at pagsisikap nang mapalawak at makalikha ng kaalaman. Upang mabisang mabasa ang realidad ng isang cluster, humihirang ang agency ng isang coordinator mula sa lokal na pamayanan mismo.