Ang pananalangin ay likas sa relihiyosong buhay. Sa pamamagitan nito, and mga indibiduwal at mga pamayanan ay maaring patuloy na palakasin ang walang katulad na bigkis sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan. Ang dasal ay pagkain ng kaluluwa, pinapalakas ang pag-ibig ng Diyos sa ating puso and dinadala tayo papalapit sa Kanya. “Wala ng mas matamis pa sa umiiral na daigdig kaysa sa dasal… ang pinakamapalad na kalagayan ay ang kalagayan ng pagdadasal at pagsusumamo.
Ang mga katuruang Baha’i ay humihimok sa bawat tao na maglaan ng panahon sa bawat araw upang manalangin at magnilay-nilay, dahil ang gawaing pamimintuho ay nagpapasigla at nagpapa-unlad ang ating espirituwal na buhay: “Ang paggunita sa Diyos ay tulad ng ulan at hamog na nagbibigay ng kasariwaan at pagpapala sa bulaklak at hyacinth, pinasisigla ito at nagiging sanhi ng makatamo ng bango, samyo at panibagong kariktan…”
Ang pagdalit ng mga dasal ng mapagmahal na papuri sa ating Tagapaglikha lamang ay hindi sapat upang malinang ang ating espirituwal na buhay. Binabanggit sa mga kasulatang Baha’i: “Ang pagdadasal at pagninilay-nilay ay napakahalaga upang mapalalim ang espituwal na buhay ng individual, ngunit kaalinsabay nito dapat ay sabayan ng pagsasagawa at h
Dahil ang dasal ay pagsamba sa Diyos, ang mga katuruang Baha’i ay nagsasaad na ang sining, agham at lahat ng mga likhang kamay ay itinuturing din na pagsamba sa Diyos: “… ang tao na lumilikha ng isang pirasong papel ng buong kakayahan, katapatan, nakatuon ang mga lakas upang ito ay magawa ng ganap at walang kapintasan, ito ay pagsamba sa Diyos. Sa madaling salita, lahat ng pagpupunyagi at paglalaan na ginawa ng isang tao ng buong puso ay pagsamba, kung sila ay pinukaw ng mas mataas na layunin at ang paghangad na makapaglingkod sa sangkatauhan at ipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga tao, ito ay pagsamba. Ang paglilingkod ay pagsamba.
Habang ang espirituwal na buhay ng tao ay nalilinang sa pamamagitan ng mga gawaing pamimintuho at paglilingkod, ganun din sa pamayanan. Kapag ang mga tao ay magtipun-tipon at ito ay inilaan sa pagdadasal, tumitindi sa kanilang puso ang pagkakaisa at pagmamahal. Ang pangkalahatang paglahok sa mga gawaing pamimintuho at paglilingkod sa pamayanan ay nagbibigay ng tibay na pagtagumpayan ang mga puwersa ng paghihiwalay at gawin itong pinagmumulan ng pagkakaisa at kabutihan.