Pagkakaisa Bilang Pangunahing Layunin

dang maria (1)

Ang pagkakaisa ng sangkatauhan ay hindi nangangahulugan ng pagkakatulad. Binibigyang liwanag sa kasulatang Bahá’í ang prinsipyo ng pagkakaisa sa pagiging magkaiba.

Ang pamilya ng tao – sa kanyang pagiging magkakaiba – ay maihahalintulad sa isang hardin ng bulaklak. Kahit na ang mga bulaklak na ito ay magkakaiba ang uri, kulay at hugis, ang lahat ay “…pinapalamig ng tubig mula sa iisang pinagmulan, pinasisigla ng paghinga ng iisang hangin, pinapalakas ng sinag ng iisang araw”.

Habang ang pagkakaiba ay nagpapataas ng pagkabighani at pinahuhusay ang kagandahan ng hardin,, sa lipi ng tao “…ang pagiging magkaiba ay nagpapatibay ng pagkakatugma, ang pagkakaroon ng sari-saring uri ay nagpapalakas ng pag-ibig, ang pagkakaroon ng maraming iba’t-ibang klase ay ang pinakalubos na sanhi ng pagtutugon-tugon”.

Higit sa pagpaparaya lamang sa pagiging magkaiba o ang pagdiwang sa mapang-imbabaw na aspeto ng magkakaibang kultura, ang pagiging magkaiba ng pamilya ng sangkatauhan ay dapat na sanhi ng pagkakasundo at di kumukupas na pag-ibig.

 

Ang Proseso ng Pagbabago

Ang pagbabago na dapat humantong sa pagtatatag ng pagkakaisa ng sangkatauhan, ay bahagi ng isang organic na proseso at maihahambing sa mga nagaganap sa buhay ng indibidwal.

Binabanggit sa mga Kasulatang Baha’i na’… may mga punto o yugto sa buhay ng mundo ng sangkatauhan, na siya ay dumaan sa panahon ng kamusmusan, ng kabataan, at ngayon ay umabot na sa itinadhanang ganap na gulang, na ang mga katibayan ay malinaw at lantad sa lahat ng dako… Ang mga biyaya at pagpapala sa panahon ng kabataan, bagamat nakatakda at sapat sa panahon ng kasibulan ng mundo ng sangkatauhan, ay walang pang kakayahang na matugunan ang pangangailangan isang nasa ganap na gulang.

 

Walang kamuwangang isipin na ang pagbabagong ito ay madali at mapayapang mangyayari. Tulad ng sa pagsibol ng sangkatauhan, na kinakailangang pagdaanan bago marating ang ganap na kaunlaran, ang kasalukuyang yugto ng sangkatauhan ay maaring taguriang maligalig, puno ng lakas ngunit walang direksyon at pabago- bagong gawi at mapangrebelde. Ngunit ito rin ang panahon na ang lakas ay pinupukaw ng idealismo, na ang mga marangal na kapakanan ay maaring mangyari, at ito ang panahon na maraming posibilidad ay maaring makamtan.

 

Ang pagbabagong-kalagayan mula sa pagsibol hanggang sa ganap na gulang ay mauunawaan sa pamamagitan ng dalawang magkaagapay na proceso: ang pagguho at ang pagbuo. Ang dalawang magka-agapay na prosesong ito ay likas sa kahit na ano mang masidhing pagbabago: para ang isang puno ay maging ganap, kinakailangan ng binhi nito na sumailalim sa iba’t-ibang pagbabagong anyo, at iwaksi ang dating kalagayan; upang ang isang ibon ay maisilang, kinakailangan muna na ang itlog ay malimliman at mapisa… Sa bawat pangyayari sa daigdig ngayon, ang dalawang nagtutugunang proseseso ng pagbuo at pagguho ay paulit-ulit na mangyayari. Ang bawat indibidwal ay may karapatan na pumili ng may kamalayan kung saan niya iukol ang kanyang lakas at kakayahan