Paghahanda sa Pagkilos para sa Ikabubuti ng Lipunan
Sa higit na tatlong mga dekada, masistemang siniyasat ng (Fundacion para la Aplicacion y Enseñanza de las Ciencas) FUNDAEC ang isang pamamaraan para sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad na tinutuganan kapwa ang material at espirituwal na mga aspeto na buhay ng tao. Unti-unti ay nakalikha ito ng pang-edukasyong nilalaman at mga pamamaraan para sa paglinang ng kakayahan ng mga tao, partikular ang mga kabataan, na maging tunay na mga tagapagtaguyod ng kanilang sariling pag-unlad at pagtulong sa pagbabago ng lipunan. Nilalayon ng PSA na paunlarin ang mga kabataan sa pamamagitan ng kursong inihanda ng FUNDAEC na naghahangad na lumikha ng mga yaman-tao na may patuloy na tumataas na kahusayan na nakalaan para sa pagsulong ng kanilang mga pamayanan at maging “Tagapagtaguyod ng Ikabubuti ng Pamayanan”.
Ang programang pang-edukasyon ng FUNDAEC na PSA ay umiinog sa ilang mga kahusayan sa wika, matematika, agham, teknolohiya at paglilingkod sa lipunan.
Pinalalakas ng programang ito ang aking pag-angkin ng mga kasayanan, mga abilidad, at mga saloobin kasama ang espiritwal na mga katangian, pinataas ang aking kamalayan sa mundong aking ginagalawan ng may lumalaking kalinawan. Lahat ng ito ay tumulong sa akin na paunlarin ang aking kakayahan upang mag-isip at kumilos nang may layunin sa loob ng isang tanging larangan ng pagkilos.
Ang mga tao na kasama sa programa habang masiglang nakikilahok sa proseso ng pagpapalawak at pagpapatibay at patuloy na umaakyat sa kurso ng mga Ruhi at isinasagawa ito, naitanim sa kanilang mga puso ang pagmamahal sa paglilingkod at gumagawa para sa pagpapaunlad ng ikabubuti ng aming pamayanan. Ilan sa kanila sa ngayon ay naglilingkod bilang Children Class teachers, Junior Youth Animators, Tutors, Coordinator at sa Teaching Committee — kasamang gumagawa ang ilan pang ahensiya sa pagpapaunlad ng Cluster.