Ang tingin ng mga Baha’i sa mga bata ay ang pinakatanging kayamanan na maaring taglayin ng pamayanan. Nasa kanila ang pangako at pag-asa ng hinaharap. Ngunit, upang ang pangakong ito ay maisakatuparan, kinakailangan ng mga bata na makatanggap ng espirituwal pagpapatibay. Sa daigdig na kung saan ang ligaya at kawalan ng muwang ng bata ay napakadaling lamunin ng mapusok na pagtugis ng materyalismo, ang moral at espirituwal na edukasyon ng mga bata ay kinakailangan mabigyan ng matinding kahalagahan

Sa lahat ng antas ang pamayanang Bahá’í  ay labis na naghahanda sa mga pangangailangan na makatugon sa espirituwal na mga hangarin ng mga bata, at ang mga mas nakakatandang kabataan ay karaniwang sabik na akuin ang tungkulin para sa pag-unlad ng mga yaong mas nakababata sa kanilang paligid. Ang mga gawaing pang-edukasyon para sa mga bata, kung gayon, sa kadalasan ay isa sa mga nauunang dumadami sa pamayanan.

childrens-class-6

Ang mga institusyon ng Pananampalataya ay nagbibigay din ng mahalagang kalinga sa pag-aasikaso sa katanungan tungkol sa pagpapadami ng yamang- tao na mangangasiwa ng mga klaseng pambata. Sa ganitong pagkakataon, maglalaan sila ng makabuluhang yaman na magdadala sa kaganapan at siguradong mapanali ang isang mabisa na pamamaraan ng koordinasyon para sa pagsasanay ng mga guro, mahusay na paraan na dadaluyan ng patnubay, materyales para sa edukasyon, at kamalayan  tungo at mula sa masa.

“Ituring ang tao na mina na mayaman sa hiyas na di natatantiya ang halaga. Edukasyon lamang ang maaring magpalabas ng kayamanang ito, at maging sanhi na mabiyayaan ang sangkatauhan mula rito.”

—Bahá’u’lláh