Pagkatapos mawalay sa katawan, ang kaluluwa ay magpapatuloy na sumulong ng kawalang-maliw at “…ihahayag ang mga palatandaan ng Diyos at ng Kanyang mga katangian, at ibunyag ang Kanyang kabaitan at kagandahang-loob” isinulat ni Baha’u’llah “Ikaw ang aking nasasakupan at ang aking nasasakupan ay hindi mapupuksa, bakit ka nangangambang mapuksa? Ikaw ang aking tanglaw at ang aking tanglaw ay hindi kailanman mapapawi, bakit ka nangangambang malipol? Ikaw ang aking kaluwalhatian at ang aking kaluwalhatian ay hindi mapapawi, ikaw ang aking kapa at ang aking pantakip ay hindi nauubos.” Pag-isipan ang liwanag na ito, huwag matakot sa kamatayan. Tinutukoy ng mga kasulatang Baha’i ito bilang “tagapaghatid ng kagalakan.”
Ang kabilang daigdig, isinulat ni Baha’u’llah: “… ay kaibang-kaiba sa daigdig na ito na katulad ng daigdig na ito ay kaibang-kaiba din doon sa daigdig ng sanggol na nasa sinapupunan pa ng kanyang ina. Habang ang sinapupunan ay nagbibigay ng kaligiran para sa pansimulang pisikal na pagbuo ng tao, ito ang kalagayan na kung saan ang mga katangian at spiritual na kakayahan na kakailanganin ng kaluluwa upang mapaunlad ang kaniyang walang hanggang paglalakbay. Kapwa dito at sa susunod na buhay, kumilos sa tulong ng kabutihan at pagpapala ng Diyos.