Ang konsepto ng training institute ay sinimulan ng Universal House of Justice noong kalagitnaan ng 1990s. Ang layunin ay upang tumulong sa indibiduwal na palalimin ang kanilang pang-unawa sa mga katuruang Baha’i, at magkamit ng espirituwal na mga kabatiran at praktikal na kasanayan na kakailanganin sa pagsasagawa ng gawain sa pamayanan.
Ang katangian ng training institute ay maaring maunawaan sa pamamagitan ng pagpapalagay ng isang patuloy na panayam na nangyayari sa pgitan ng mga magkakaibigan sa libo-libong mga puwang sa lipunan – mga kapitbahayan, nayon, paaralan, unibersidad, at mga lugar ng trabaho – nababahala sa pag-ambag sa pagsulong ng kabihasnan sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga katuruan ni Baha’u’llah. Kapag ang bilang ng mga kalahok sa panayam ay lumalaki, ang mga proseso upang makamtan ang sama-samang espirituwal at material na mga layunin sa bawat puwang ay uumpisang pakilusin.
Maari nating isipin na ang gawain ng training institute, kung gayon,
bilang pagpapanatili ng isang pamamaraan ng distance education upang
mapaalab/mapaningas at mapadali ang umuunlad na talakayan. Kasama sa pangunahing saligan ng pamamaraan ang “study
circle”, ang tutor, at ang nakatakdang mga kagamitan na naayon sa mga
kasulatang Baha’i, na naghahayag ng mga espirituwal na mga kabatiran at ng
kalaaman na natamo sa proseso ng pagsalin ng mga katuruan ni Baha’u’llah sa
kaganapan. Ang mga nakatakdang mga kagamitan ay tutulong sa indibiduwl na
pumasok sa talakayan ng kung ano ang natutunan ng pamayanang Baha’i sa
pamamagitan ng mga karanasan ng sinubukan itong mag-ambag sa pagsulong ng
kabihasnan. Mas mahalaga, sisikapin nila na isali ang mga kalahok sa proseso ng
pagkatuto at sa pagbabahagi ng nauugnay na kaalaman.
Ang study circle ay isang maliit na lupon na nagtitipon-tipon ng ilang oras minsan o dalawang beses sa isang linggo, kadalasan ng tahanan ng isa sa mga kalahok, upnag pag-aralan ng mga takatakdang kagamitan para sa kurso. Kahit sino na nasa edad 15 o mas matanda, Baha’i man o hindi, ay malugod na sumali at makibahagi. Ang mga tutors ay walang pinanghahawakan na natatanging katayuan. Karaniwan, sila lamang ay nakapauna sa pag-aaral ng mga nakatakdang kagamitan. Ang bawat isa ay maaring makapaglingkod bilang tutor sa ilang mga pagkakataon, habang sila ay kasapi sa isa pang study circle ng ibang kurso. Nakikita sa lahat ng mga kalahok ang kakayahang na maging masigasig na kinatawan ng kanilang sariling pagkatuto, at ang tutor ay magpupunyaging lumikha ng kapaligiran na humihimok sa mga indibiduwal na tanggapin ang pagtataglay ng proseso ng edukasyon na kinabibilangan nila. Nararapat na ang study circle ay isang puwang na aakay sa espirituwal and moral na pagbibigay lakas sa indibid
Kasama sa mga nakatakdang mga kagamitan ay mga sipi mula sa mga kasulatang Baha’i kaugnay sa tiyak na mga tema at mga gawaing paglilingkod. Ang mga kalahok ay magkakasama na pag-aralan ang tungkol sa pagsasagawa ng mga siping ito sa kanilang indibiduwal at panlahatang buhay. Kabilang sa mga katanungan na sasaliksikin ay kung papaano lumikha ng mga kapaligiran na maglalagay sa mga tao na makipag-ugnay sa mga espirituwal na lakas na pinalaya ng dasal at pamimintuho; papaano palalakasin ang bigkis ng pagkakaibigan at magtatag ng makahulugan modelo ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na may magkakaibang katayuan; papaano gawin na ang edukasyon ng mga bata ay mahalagang bahagi ng kanilang buhay sa pamayanan; papaano panatilihin ang isang kapaligiran na makakatulong sa mga kabataan na paunlarin ang kanilang kaisipan at espirituwal na kakayahan; papaano lumikha ng pagbabago sa pamilya na magpapataas sa material at espirituwal na kasaganaan.
Bilang kasagutan sa mga nakatakdang mga kagamitan sa kanilang pag-aaral at sa tulong mula sa mga institusyon, ang mga kalahok ay babangon upang isagawa ang mga nakatakdang gawaing paglilingkod. Mga lalaki at babae, nakababata at gayundin sa nakatatanda, sila ay makakapansin na nasa kanilang mga kamay ang kakayahan na likhain muli ang daigdig na kinabibilangan nila. Habang dumarami ang mga tao na magtitiwala sa pananaw ng indibiduwal at sama-samang pagbabagong—nyo na pinagyaman ng mga kurso ng institute, ang kakayahan ay unti-unting naitatayo sa pamayanan upang makita ang isang huwaran ng pamumuhay na inilalagay sa kaibuturan nito ang paglilingkod at pagsamba.