Kasaysayan
Si G. Maddela ay mahilig magbasa kaya kahit na ang maikling artikulo na iyon sa pahayagan ay sapat na upang akitin ang kanyang interest. Natuwa siya sa kanyang natunghayan at nasabin niyang “ito na ang aking hinahanap na katotohanan!” Ngunit nanlumo siya dahil putol ang artikulo at wala anumang tumutukoy kung paano makipag-ugnayan. Dumaan ang mga taon at patuloy pa rin sa paghahanap si G. Maddela nang anuman tungkol sa kanyang nabasa sa artikulong iyon. Sa maagang tagsibol ng taong 1937, si Loulie Albee Mathews ay dumating sa Manila sakay ng “Franconia”. Dahil ang barko ay dadaong ng ilang oras, naisip niyang bumaba at magawang bumisita sa isang silid-aktlatang nang isang kolehiyo upang maglagay ng ilang mga pampleta tungkol sa relihiyon. Pagkatapos ng ilang pagtatangka sa ilang mga paaralan, ay may tumanggap sa kanyang pakiusap. Pagkalipas ng ilang mga buwan mula ng dumaong ang “Franconia” at labing apat na taon mula nang matunghayan ang artikulo sa isang pahayagang pinambalot sa tinapay, si G. Maddela, dahil sa kanyang kaalaman sa sining at iskultura, , ay ipinadala sa Maynila ng pamunuan ng kanyang lalawigan upang gawin ang disenyo at istraktura ng isang tanghalan. Ang ganitong mga pagkakataon, dala ng kanyang pagkahilig sa pagbabasa, ay nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makabisita sa silid aklatan na madalas niyang puntahan, yaong nasa P. Faura. Hindi mailarawan ang pinaghalong gulat at saya ng makita at mabasa niya ang mga pampletang iniwan sa istante ng mga aklat tungkol sa “comparative religion”. Sa tuwa niya at sa kagustuhan niyang makuha ang bawat nilalaman ng mga babasahing iyon ay sinipi niya ang bawat salita mula sa apat na panitikang na iyon. Ang pagkatuklas na iyon ay ang simula ng serye ng mga liham sa Baha’i Publishing Committee ng United States at sa Guardian ng Baha’i Faith na si Shoghi Effendi. Nagliliyab sa bagong natuklasan, nang bumalik si G. Maddela sa Solano ay agad na tinuruan ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Sa ilang sandali bago ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan (World War II), ang mga Baha’i sa Solano ay umabot sa mahigit limampu. Nang mangyari ang digmaan lahat ng komunikasyon ay tumigil, gayunpaman ipinagpatuloy nina G. Maddela ang kanilang bagong tuklas na pananampalataya. At pagkatapos ng digmaan, di naglaon ang koneksiyon ay muling naitatag sa pamamagitan ni Ginoong Alvin Blum, isang may kaugnayan sa medical unit ng United States Army. Sa pamamagitan ng hitch-hiking papunta sa Solano, inabutan niya ang bayan na sira-sira dala ng digmaan. Sa kabisera mismo ay natagpuan niya ang mga Maddela na nasa mahirap na kalagayan ngunit napansin niyang nandoon pa rin ang pag-asa dahil sa isang maliit na kubo sa tabi ng kanilang tirahan ang isang karatula na may nakasulat na “Baha’i Reading Room. Everybody Welcome” ay maliwanag na nakapaskil. Marami sa mga nakatalang Baha’i ay nawala, namatay o lumipat ng lugar. Ang mga nakaligtas sa loob ng apat na taong digmaan ay nagpatuloy sa kanilang pananampalataya at ang iba ay bumangon upang tumulong sa pagbabahagi ng mga katuruan.
Sa araw ng ika-2 ng Disyembre 1946, ang Local Spiritual Assembly ng mga Baha’i ng Solano ay nainkorpora/naitala (incorporated) sa Securities and Exchange Commission. Ang mga miyembro at incorporators ay sina Felix Maddela, Augustia Maddela, Zacarias Tottoc, Mariano Tagubat, Nicanora Lorenzo, Dionisia Vadel, Maurelio Bueza, Jacinta Paggangay at Azucena Cruz. Noong 1947, si Ginoong Dominador Anunsacion at ang kanyang kapatid na si Angelo ay pumunta sa Solano, nakinig at tinanggap ang Pananampalataya. Sa kanilang pagbabalik sa Santiago, Isabela, isa na namang bagong pamayanan ang naitatag. Noong 1960 ang pamayanang Baha’i ng Pilipinas ay binubuo ng apat na Local Spiritual Assembly at ng populasyong nasa dalawang daan.
Ang kaunting bilang ng mga mananampalataya sa Solano, Santiago at Manila ay pinalakas upang malagpasan ang natural na pagkamahiyain at upang puntahan ang mg masa sa ibang mga probinsiya. Unti-unti, hinikayat ni Dr. Muhajir ang bawat isa na magpalawak pa sa ibang mga probiniya maliban sa Isabela at Nueva Vizcaya. Noong 1962 ay mayroong mga balita ng mass conversion sa dalawampu’t apat na mga Local Spiritual Assembly at nagkaroon ng isang libong mananampalataya. Sa taong 1963 ay mayroon nang dalawang libong mga Baha’i at mayroon din mga tribu na tumanggap. Mayroong mga pamayanan na ang mga naninirahan ay naging mga Baha’i. Noong 1964, ang National Spiritual Assembly ay nahalal sa unang pagkakataon. Ang mga miyembro ay sina Vicente Samaniego, Pablo Mercado, Jack Davis, Neva Dulay, Luisa Mapa Gomez, Dominador Anunsacion, Ruth Walbridge, Theodore Boehnert at Orpha Daugherty. Sa taong iyon, si Dr. Muhajir ay bumisita sa isla ng Mindoro at naglakad ng walong oras sa mga bulubundukin upang marating ang tribu ng Mangyan. Ang Baha’i Faith ay kanilang agad na tinanggap. Si Rogelio Onilla, isa sa mga bagong tumanggap ng pananampalatayang Baha’i ay nagsimulang gamitin ang isang silid sa kanyang tahanan upang magturo ng literacy classes sa kanyang mga katribu. Itong maliit na klase ay umunlad pa lalo at naging ang ‘Rogelio Onilla Memorial School’ at nagsilbing panimula ng apat na tutorial schools sa tribung kinabibilangan ni Rogelio. Sa taong 1980 ay mayroon nang apatnapu’t limang Local Spiritual Assembly at animnapu’t apat na libong mga tagasunod. Itong malaking sukat ng paglaki ay sa nangyari sa ibat’t-ibang lugar sa Southeast Asia noong mga taon ng 1950 at 1960.