Ang Proseso ng Edukasyon

 

Ang pagsasabuhay ng mga katuruan ni Bahá’u’lláh tungo sa kaunlaran ng ating lipunan mapa-sosyal o ekonomikong aspeto nito ay bahagi ng isang mas malawakang proseso ng pagtataguyod ng katatagan at karangyaan sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

Ang mga gawaing tulad nito ay nagbibigay pagkakataon sa mga komunidad ng Bahá’í na maging direktang kasapi sa buhay ng lipunan. Nakadisenyo ang mga proyektong Bahai upang hikayatin ang lahat na maging aktibo para ang lahat ng miyembro ng komunidad ay mapabuti at hindi lamang ang mga Bahai. Ang pakikipagugnayan sa iba’t ibang organisasyon at mga lider sa kaisipang tumutukoy sa sosyal, moral at ekonimikong paunlad ay isang mahalagang parte ng gawaing panglipunan ng Bahai.

 Arts in Service to Humanity 481 (NXPowerLite)