Ang Espiritual na Buhay

IMGP4969 (NXPowerLite) (2)

 

Mula sa panahon ng paglikha kay Adam hanggang sa araw na ito ay may dalawang landas ang daigdig ng sangkatauhan; ang isa ay ang tunay na kaurian o materialistic, at ang isa pa ay may kinalaman sa relihiyon o pang-espiritual. Ang landas ng tunay na kaurian ay ang landas ng kaharian ng hayop.
Ang hayop ang kumikilos ayon sa pangangailangan ng kalikasan, sinusunod ang katutubong simbuyo at kagustuhan. Anuman ang udyok at hilig ay malayang sinusunod ito; gayunpaman ito ay bihag ng kanyang tunay na kaurian.

young-ones-1

Hindi ito kayang lumihis ni katiting mula sa landas na itinatag para sa kanya. Lubos ang kawalan nito ng spiritual na damdamin, walang kabatiran sa banal na relihiyon at walang kaalam-alam tungkol sa kaharian ng Diyos. Ang hayop ay walang taglay na isip o sadyang kaalaman; bihag siya ng kanyang mga damdamin at ipinagkaila sa kanya ang anumang higit sa kanyang kakayahan.

Natatakdaan lamang ito sa nakikita ng mata, naamoy ng ilong, natitikman ng panlasa at nararamdaman ng pagsalat. Ang mga sensation na ito ay katanggap-tanggap and sapat na para sa hayop.

Ngunit ang higit sa saklaw ng mga nakikita, naamoy, nalalasahan, nararamdaman; ang katunayan ng mga palatandaang ito na nagdadala ng kamalayan patungo sa kaharian ng Diyos, ang daigdig na nakakaantig ng spiritual at banal na relihiyon, — na ang lahat ng ito ay lubos na walang kamalayan ang hayop, dahil sa kanyang pinakamataas kalagayan siya ay bihag ng kanyang tunay na uri.

(‘Abdu’l-Bahá, Bahá’í World Faith – ‘Abdu’l-Bahá Section, p. 234) Ang pangalawang landas ay yaong sa relihiyon, ang landas ng banal na Kaharian. Napapaloob dito ang pagtamo ng maipagkakapuring mga katangian, makalangit na liwanag at makatunran na mga kilos sa daigdig ng sangkatauhan.

Ang landas na ito ay kaaya-aya sa pag-unlad at pagpapasigla ng daigdig. Ito ang pinagmumulan ng pagsasaysay ng tao, pagsasanay at wastong pagpapabuti; ito ang batobalani na umaakit ng pag-ibig ng Diyos dahil sa ipinagkakaloob nitong kaalaman tungkol ng Diyos. Ito ang landas ng mga banal na Kahayagan ng Diyos dahil sila sa katunayan ang saligan ng kaisahan ng banal na relihiyon.

Walang mababago o pagbabagong-anyo sa landas na ito. Ito ang magdudulot ng pagpapabuti ng sangkatauhan, ang pagtatamo ng makalangit na mga katangian at ng tanglaw sa sangkatauhan. (‘Abdu’l-Bahá, Baha’i World Faith – ‘Abdu’l-Bahá Section, p. 237).