Kaugnay nito, itinatag ni ‘Abdu’l-Baha ang mga saligan para sa pagpapalakad (operation) ng Universal House of Justice at ipinahayag na pagkatapos ng Kanyang pagpanaw, ang mga Bahá’í ay dapat bumaling sa Kanyang pinakamatandang apong lalaki, si Shoghi Effendi, na Kanyang tinaguriang Tagapangalaga ng Baha’i Faith.
Kapwa ang Universal House of Justice at ang Tagapangalaga ay naatasan sa paglalapat ng mga prinsipyo, pagpapalaganap ng mga batas, pangangalaga sa mga institusyon, at ang pag-aangkop (adapting) ng Baha’i Faith sa mga pangangailangan ng isang patuloy na sumusulong na lipunan.
Sa loob ng 36 taon, nang may pambihirang pag-iintindi sa kinabukasan, karunungan, at debosyon, si Shoghi Effendi ay sistematikong pinangalagaan ang pag-unlad, ang pagpapalalim ng pang-unawa, at ang pagpapatibay sa pagkakaisa ng pamayanang Baha’i, habang ito ay nagiging maunlad upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng buong sangkatauhan.
Sa ilalim ng pamamatnubay (direction) ni Shoghi Effendi, ang mga natatanging sistema na ginawa ni Bahá’u’lláh para sa pamamahala ng kapakanan ng pamayanan ay lumaki nang mabilis sa buong mundo. Isinalin Niya ang mga kasulatang Baha’i sa Ingles, binuo ang espirituwal at pampangasiwaang sentro ng Pananampalataya sa Banal na Lupain, at, sa libo-libo ng mga titik na Kanyang isinulat, ay nag-alay (offered) ng malalim na mga pananaw sa espiritwal na dimensyon ng sibilisasyon at ang mga pagbabago (dynamics) ng panlipunang pagbabago, ihinahayag (unveiling) ng isang kasindak-sindak (awe-inspiring) na larawang-isip ng hinaharap na kung saan ang sangkatauhan ay kumikilos.
Ang lahat ay namangha sa malawak na hanay ng kanyang mga nagawa at ng katangian ng kanyang pamumuno, isang pamumuno na pumukaw (evoked ) sa mga kapangyarihan at mga kakayahan ng isang maliit na bilang ng mga ordinaryong tao na hindi nila alam na taglay nila …
-David Hofman, may-akda at broadcaster