Dala ang pagkakaisa bilang pangunahing saligan ng Kanyang mga turo, itinatag ni Bahá’u’lláh ang kinakailangang pangangalaga (safeguard) upang matiyak na ang Kanyang relihiyon ay hindi kailanman pagdusahan ang parehong kapalaran ng iba na nahati sa mga sekta matapos ang pagkamatay ng kanilang mga Tagapagtatag. Sa Kanyang mga Kasulatan, inutusan Niya ang lahat na bumaling sa Kanyang pinakamatandang Anak na lalaki, si ‘Abdu’l-Baha, hindi lamang bilang ang awtorisadong tagapagpaliwanag ng mga Kasulatang Baha’i bagkus ay bilang ang ganap na huwaran ng diwa at mga turo ng Pananampalataya.
Kasunod ng pagkamatay ni Bahá’u’lláh, ang hindi pangkaraniwang mga katangian ng katauhan ni ‘Abdu’l-Baha, ang Kanyang kaalaman at ang Kanyang paglilingkod sa sangkatauhan ay nagdulot (offered) ng isang maliwanag na pagpapamalas ng mga turo ni Bahá’u’lláh sa pagkilos, at nagdala ng malaking karangalan sa mabilis na lumalawak na komunidad sa buong mundo.
Itinuon ni’Abdu’l-Baha ang Kanyang paglilingkod (ministry) sa pagpapalaganap (furthering) ng Pananampalataya ng Kanyang Ama at sa pagtataguyod ng ideals ng kapayapaan at pagkakaisa. Hinikayat Niya ang pagtatatag ng lokal na institusyong Baha’i, at may gabay na nagbubuhat sa pang-edukasyon, panlipunan at pang-ekonomiyang mga hakbangin. Matapos ang Kanyang paglabas mula sa isang panghabang buhay na pagkabilanggo, si ‘Abdu’l-Baha ay nagtakda sa isang serye ng mga paglalakbay na nagdala sa Kanya sa Ehipto, Europa at Hilagang Amerika. Sa Kanyang buong buhay, Kanyang ipinakilala sa napakatalinong kapayakan (brilliant simplicity), sa kapwa mataas at mababa man, ang reseta ni Bahá’u’lláh para sa espirituwal at panlipunang pagbabago ng lipunan.
Si Abdu’l-Baha ang panganay na anak na lalaki ni Baha’u’llah, ang Kanyang itinalagang kahalili, at ang may kapangyarihan na magpaliwanag ng Kanyang mga katuruan. Siya ang namuno sa Baha’i Faith makalipas ang kamatayan ng Kanyang Ama.
Ang Pananampalataya ay kumalat sa Europa at Hilagang Amerika sa panahon ni Abdu’l-Baha. Malawakan siyang naglakbay doon, ipinapaliwanag ang mga katuruan ng Pananampalataya sa malalaking bilang ng mga nakikinig sa mga unibersidad, mga simbahan, synagogues at sa mga lugar na kung saan nagtitipon ang maraming mga sumusulong na mga samahan.
Sino man ang makisama sa Kanya ay nakita sa Kanya ang isang tao na lubhang marunong, na ang Kaninong salita ay mapang-akit, na umaakit sa mga isip at mga kaluluwa, na nakatuon sa paniniwala sa pagiging isa ng sangkatauhan …
-Al-Mu’ayyad pahayagan, Ehipto, 16 Oktubre 1910