Ang Báb ay walang katarungang ikinulong dahil sa Kanyang mga katuruan. Ang Dispensasyon ng Báb ay nagsimula noong 1844 at nagtagal ng siyam na taon lamang. Ang pangunahing layunin nito ay upang ihanda ang daan para sa pagdating ni Bahá’u’lláh.
Ang Báb, na ang pangalan ay Siyyid ‘Alí-Muhammad, ay ipinanganak noong ika-20 ng Oktubre 1819 sa Shíráz, isang lunsod sa dakong timog ng Iran, na kilala din bilang Persia. Ang karamihan ng mga tao sa Iran ay nabibilang sa sekta ng Islám na naghihintay sa pagdating Niya na Ipinangko ng Diyos na tinaguriang ang Qá’im. Ang salitang “Qá’im” ay nangangahulugang Siya na Nagbangon.
Ang Báb ay nagbuhat sa tanyag at marangal na pamilya na galing sa angkan ni Muhammad, ang Propeta ng Islám. Ang Kanyang ama ay sumakabilang buhay na noong Siya ay musmos pa lamang, at Siya ay pinalaki ng Kanyang amain sa ina, na siyang nagpasok sa Kanya sa paaralan sa murang gulang. Kahima’t pinagkalooban ang Báb ng likas na karunungan at hindi kinakailangang turuan ng sinuman, sinunod Niya ang kagustuhan ng Kanyang amain. Gayumpaman, mabilis na natuklasan ng Kanyang guro ang napakalaking kakayahan ng Báb at natanto na wala na siyang maituturo sa hindi pangkaraniwang batang ito. Noong 1850, Siya ay minartir at binaril ng isang rehimyento ng sundalo.