Ang Universal House of Justice

Ang Universal House of Justice ay ang pandaigdigang namamahalang konseho (council) ng Baha’i Faith at ang sentro ng Kasunduan ni Bahá’u’lláh ngayon.

Ibinilin ni Bahá’u’lláh ang paglikha ng institusyong ito sa Kanyang Aklat ng mga batas, ang Kitáb-i-Aqdas.
Ang Universal House of Justice ay binubuo ng siyam na miyembro, inihahalal sa bawat limang taon sa pamamagitan lahat ng mga miyembro ng lahat ng national Baha’i assemblies. Si Bahá’u’lláh ay nagkaloob ng banal na kapangyarihan sa Universal House of Justice upang gumawa (exert) ng isang positibong impluwensiya sa kapakanan ng sangkatauhan, magsulong ng edukasyon, kapayapaan at pandaigdigang kasaganaan, at pangalagaan karangalan ng tao at ang posisyon ng relihiyon. Ito ay may tungkulin sa paglalapat ng mga katuruang Baha’i sa mga pangangailanagn ng patuloy na nagbabagong lipunan at samakatuwid ay pinalakas upang magsabatas sa mga bagay na hindi tahasang sakop sa banal na mga kasulatan ng Pananampalataya .

universal house of justice front view

Mula sa una nitong paghahalal noong 1963, ang Universal House of Justice ay ginabayan ang pandaigdigang pamayanang Baha’i upang bumuo ng sarili nitong kakayahan na makilahaok sa pagbubuo ng isang masaganang pandaigdig na sibilisasyon. Ang banal na gabay na ibinibigay ng Universal House of Justice ay tumitiyak sa pagkakaisa ng kaisipan at pagkilos sa pamayanang Baha’i habang natututunan nito na isalin ang larawang-sip ni Bahá’u’lláh ng pandaigdigang kapayapaan sa tunay na buhay (reality).

“Yamang para sa bawat araw ay mayroong isang bagong problema at para sa bawat problema ay mayroong isang angkop na solusyon, ang gayong mga suliranin ay dapat isangguni sa Ministers ng House of Justice nang upang maaari silang kumilos ayon sa mga pangangailangan at mga kinakailangan ng panahon.”
-Bahá’u’lláh