Abril, 1863 sa mga lansangan ng Baghdad makikita ang mga lalaki at mga babae, mga bata at matatanda patungo sa tabi ng Ilog ng Tigris na kailanma’y hindi nakakita ng eksenang magpapaluha sa isang naging kaibigan at tagagabay.
Subalit sa partikular na araw na ito, ang pighati ng Kanyang mga tagasunod ay napalitan ng pag-asa nang ihayag ni Baha’u’lláh ang pinapangarap ng marami – Siya ang dakilang Banal na Tagapagturo na inihayag ng Báb, ang tagapagpanimula ng bagong yugto sa kasaysayan na kung saan ang mga paniniil at kawalan ng katarungan ng mga panahong lumipas ay patungo na sa isang daigdig ng kapayapaan, katarungan at pagkakaisa sa lahat ng mga bansa.
Inihayag ng “Banal na Sibol” ang Kanyang malinaw na pagdating.
Ang Buhay Niya mula sa pagkabata
Si Mirza Husayn Ali ay ipinanganak sa Tehran, Iran noong Nobyembre 12, 1817 at kanyang tinamasa ang lahat ng para sa ipinanganak mula sa may sinasabing pamilya. Kahit kaunti lamang ang kanyang pormal na edukasyon, naging bantog Siya sa Kanyang karunungan sa mura Niyang edad.
Kaysa sundan ang yapak ng Kanyang ama sa paglilingkod sa pamahalaan ng lungsod ng Tehran,Iran,minabuti ni Baha’u’lláh na igugol ang kanyang lakas at panahon kasama ang kanyang asawa sa pangangalaga ng mga naghihikahos. Pagkatapos Niyang tanggapin ang pananampalataya ng Báb, ang buhay ni Baha’u’lláh at ang Kanyang pamilya ay habang-buhay ng nagbago.
Noong 1848, nagtawag at pinamunuan ni Mirza Husayn ‘Ali ang malaking pagpupulong ng mga tagasunod ng Báb kung saan Niya pinaalam ang kasarinlan ng bagong pananamapalataya. Mula noon ay nakilala na siyang Baha’u’lláh, ibig sabihin ay “Luwalhati ng Diyos” sa salitang Arabiko. Habang ang komunidad ay papalaki, tumindi rin ang kabagsikan ng nagngangalit na mga oposisyon. Nang nakahanap ng kanlungan ang tatlong daang Babi sa isang dambana sa disyerto na tinaguriang Shayk Tabarsi, sumama sa kanila si Baha’ullah nguni’t mula doon Siya’y inaresto at ginulpi.
Noong 1850 ay pinatay ang Báb sa pampublikong plaza. Pagkatapos paslangin ang karamihan sa mga kilalang tagasunod ng Báb, naging malinaw na ang natitira na lamang na Bábi ay si Baha’u’llah.
Noong 1852, napagbintangan si Baha’u’lláh na kasabwat sa planong pagpaslang kay Nasirid Din Sháh, ang hari ng Iran. Nang inilabas ang mandamyento de aresto laban kay Baha’u’lláh, lumabas Siya upang harapin ang umuusig sa kanya na ikinagulat ng mga inatasang mag-aresto sa Kanya. Dinala Siyang nakayapak at nakakadena patungo sa mga kalyeng puno ng tao hanggang makarating sa piitan sa ilalim ng lupa na tinaguriang “Itim na Tapunan”
Ang piitan sa ilalim ng lupa ay naging imbakan para sa pampublikong paliguan. Sa loob ng mga nakapaligid na pader nito, nilagak ang mga preso sa gitna ng malamig at mabahong hangin, magkakakabit sa pamamagitan ng mabigat na mga kadena at nag-iwan ng mga marka sa katawan ni Baha’u’lláh habang buhay. Dito sa malalim na kapaligiran naganap na naman ang isa sa pinaka-natatangi at mahalagang pangyayari: ang kamatayan ng tao sa anyong pisikal sa anumang paraan mo tignan, ay pinili ng Diyos upang magdala ng bagong mensahe sa sangkatauhan.
Ang pagkatapon sa Baghdad
Pagkatapos ng apat na buwan ng matinding pagdurusa, pinalaya si Baha’u’lláh nguni’t tuluyan ng pinatapon sa labas ng Iran. Kasama ang kanyang pamilya una silang pinadala sa Baghdad, parte ngayon ng Iraq. Doon ay unti-unting dumami ang bumaling sa Kanya upang humingi ng mga gabay pang-espiritwal. Ang kadakilaan ng kanyang karakter, ang kalaliman ng kanyang mga payo, ang taglay Niyang kabaitan, na umaagos sa lahat ay katunayan ng pambihira Niyang kadakilaan na nagpasigla sa inaaping komunidad.
Kahit sa liblib na lugar na ito, ay lumaganap ang katanyagan ni Baha’u’lláh. Narinig ng mga tao ang Kanyang pambihirang karunungan. Nang nabalitaan ito sa Baghdad, nahulaan ng mga Bábi na Siya’y si Baha’u’lláh at nagpadala sila ng kinatawan upang pakiusapan Siyang bumalik na.
Muling nanirahan sa Baghdad si Baha’u’lláh at sumiglang muli ang mga tagasunod ng Báb, dumami ang bilang ng komunidad at ang Kanyang reputasyon ay lalong lumaganap. Dito Niya sinulat ang tatlo sa Kanyang tanyag na mga aklat sa panahong yun – Ang Natatagong mga Salita, Seven Valleys at Kitab-i-Iiqán ( Book of Ceritude) – at kahit ang mga naturang mga aklat ay tumutukoy sa estasyon ni Baha’u’lláh, hindi pa noon napapanahon na Siya’y magpakilala sa kanila.
Noong Abril 1863, bago lisanin ang Baghdad patungong Konstaninopol ngayon ay Istanbul, labindalawang araw na nanatili si Baha’u’lláh at Kanyang mga kasama sa isang hardin na pinangalanan niyang Ridván na ang kahulugan ay “Paraiso.” Doon sa tabi ng Ilog ng Tigris, nagdeklara ni Baha’u’lláh na Siya ang ipinamalita ng Báb na Tagapagbalita ng Diyos sa panahon ng kolektibong pagdating sa hustong gulang ng sangkatauhan na ipinangako sa lahat ng banal na mga aklat ng daigdig.
Magkakasunod pang pagpapatapon
Pagkatapos ng tatlong buwan mula nang lisanin ang Baghdad, nakarating si Baha’u’lláh at mga kasama Niya sa sa Konstantinopol. Namalagi sila doon ng apat na buwan bago muli silang pinatapon sa Adrianopol , (ngayon ay Edirme), isang mahabang paglalakbay sa pinakamatinding taglamig. Ang kanilang tinirhan sa Adrianopol ay nagtataglay ng mala-yelong temperatura.
Minsan sa yugtong ito ay tinangka Siyang lasunin ng kanyang mapanibughuing nakababatang kapatid na si Mirza Yahyah. Ang trahedyang ito ay naging sanhi ng panginginig ni Baha’u’lláh na makikita sa Kanyang mga sulat hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Isang malinaw na kopya ng Pinakabanal na Aklat (Kitab-i-Aqdas) ay pinalimbag ni “Abdu’l-Baha noong 1902. Mula Setyembre 1867, nagsulat si Baha’u’lláh ng nga magkakasunod na liham para sa mga lider ng mga bansa ng panahon Niya. Sa prophetic na mga sulat na ito, tahasan Niyang idineklara ang Kanyang katayuan at ipinaalam sa kanila ang bukang-liwayway ng bagong yugto sa kasaysayan. Pero bago yun ay nagbadya Siyang may magaganap na mga nakagigimbal na kaguluhan sa pampulitika at panlipunang kaayusan ng planeta. Nanawagan Siya sa mga lider ng mga bansa na ipagtanggol ang katarungan at igalang ang mga karapatan ng kanilang nasasakupan. Nanawagan Siya na mag-usap sila upang tuldukan ang digmaan. Ayon sa Kanya, matatamo lamang ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos . Subalit’ ang kanyang mga babala ay kanilang pinagwalang bahala.
Ang kasalukuyang pagka -inis at galit ng mga kontra kay Baha’u’lláh ang naging dahilan upang ipatapon Siya ng gobyerno ng Ottoman sa hindi tanyag na piitan malapit sa dagat ng Mediteranyo. Dumating si Baha’u’lláh sa lungsod ng Akka noong Agosto 31, 1868, kung saan Kanyang gugulin ang natitirang yugto ng kanyang buhay sa moog ng Akka at sa mga paligid nito.
Pagkatapos mamalagi sa loob ng piitan ng mahigit na dalawang taon, hindi naglaon ay nilipat si Baha’u’lláh at ang Kanyang mga kasama sa isang makitid na bahay sa loob ng lungsod. Ang karakter ng isang Baha’i partikular ang panganay na anak ni Baha’u’lláh ay unti-unting nagpalambot sa puso ng mga tagabantay nila sa piitan.
Tulad din ng nagyari sa Baghdad at Adrianopol, napahanga nila ang komundad kabilang ang ilan sa kanilang lider, sa kadakilaan ng karakter ni Baha’u’lláh.
Ang Mansiyon ng Mazraih ay isa sa mga tinirhan ni Baha’u’lláh pagkatapos Siyang mapalaya mula sa piitan ng Akka. Noong 1870, habang nanatiling preso ay nabigyan Siya ng kaunting kalayaan upang pumunta sa labas ng moog na lungsod at nagbigay ng pagkakataon na Siya’y mapayapang makausap ng kanyang mga tagasunod . Noong Abril 1890, dinalaw Siya sa kaniyang tirahan sa Mansiyon na malapit sa Akka ni Propesor Edward Granville Brown mula sa Unibersidad ng Cambridge.
Inilarawan sa sulat ni Propesor Brown ang tungkol sa kanilang pagtatagpo: “Ang kanyang mukha na aking tinitigan ay hindi ko makakalimutan kailanman nguni’t hindi ko rin mailalarawan. Ang lumalagos Niyang mga mata na parang nakababasa ng kaluluwa, ang kanyang noong malapad na tanda ng kapangyarihan at awtoridad . . . . hindi na kailangan pang tanungin kung kaninong presensiya ako luluhod sa pinatutunguhan ng aking debosyon at pagmamahal na maaring kaiinggitan ng mga hari at kailanma’y hindi magyayari na magbuntong-hininga ang mga emperador.”
Yumao si Baha’u’lláh noong Mayo 29, 1892. Sa Kanyang huling habilin at testamento, hinirang Niya si ‘Abdu’l-Bahá bilang Kanyang kapalit at mamumuno ng Pananampalatayang Bahá’í – ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na ang tagapagtatag ng pandaigdigang pananampalataya ay humirang ng Kanyang kapalit sa pamagitan ng hindi mapag-aalinlanganang sulat. Ang pagpili ng kapalit ay pangunahing probisyon sa tinaguriang “Alyansa ni Baha’u’lláh” na magsisilbing tagapangalaga sa pamayanang Bahá’í upang manatiling nagkakaisa magpakailanman