Today's Message

Ang Tagapagtatag ng Baha’i Faith na si Baha’u’llah (1817-92) ay nagsabi na sa buong kasaysayan, ipinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagdating ng mga banal na Kahayagan, na ang mga katuruan ay gumagabay at nagtuturo sa atin at nagkakaloob ng saligan patungo sa pagsulong ng lipunan ng mga tao.

Si Baha’u'llah at ang Kanyang Kasunduan



Sa kalagitnaan ng ika-labing siyam na siglo, inatasan ng Diyos si Baha’u’llah, na ang kahulugan ay “Luwalhati ng Diyos”, na dalhin ang karugtong ng pahayag ng Diyos sa sangkatauhan. Sa loob ng 4 na dekada, dumaloy sa kanyang pluma ang libo-libong mga taludtod, mga liham at mga aklat, sa kanyang mga kasulatan, binanghay niya ang balangkas ng pag-unlad ng pandaigdigang kabihasnan na tumutugon sa espiritwal na bahagi at sa kahulugan ng buhay ng tao.