Bab
Ang Dispensasyon ng Báb ay nagsimula noong 1844 at nagtagal ng siyam na taon lamang. Ang pangunahing layunin nito ay upang ihanda ang daan para sa pagdating ni Bahá’u’lláh … Read more
Bahá’u’lláh
Si Bahá’u'lláh, na ang pangalan ay Mírzá Husayn-’Alí, ay ipinanganak noong ika-12 ng Nobyembre 1817 sa Ṭihrán, ang punong-lunsod ng Persia. Ang Kanyang ama, si Mírzá Buzurg, ay isang tanyag na maharlikang tao, na may isang mataas na tungkulin sa korte ng hari ng Persia. Mula pa sa murang gulang, nagpakita na si Bahá’u'lláh ng mga tanda ng kadakilaan at nagpamalas ng hindi pangkaraniwang kaalaman at karunungan. Hindi Siya nag-aral sa pangkaraniwang paaralan at tumanggap lamang ng ilang mga turo sa tahanan. Read more…
‘Abdu’l-Bahá
…Ipinamalas ni Bahá’u'lláh sa napakaraming mga paraan na si ‘Abdu’l-Bahá ang mamamahala sa Kapakanan pagkatapos ng Kanyang pagyao. Ipinahayag Niya ito sa matalinhagang paraan sa Kanyang Kitáb-i-Aqdas. Madalas Niyang tinukoy si ‘Abdu’l-Bahá bilang “Sentro ng Aking Kasunduan,” “Ang Pinaka-Dakilang Sanga,” “Ang Sanga na nagmula sa Napakatandang Ugat,” Lagi Niya Siyang binabanggit bilang “ang Master” at kinailangan Niya mula sa Kanyang pamilya na pakitaan si ‘Abdu’l-Bahá ng lubos na paggalang; at sa Kanyang Habilin at Testamento ay nag-iwan Siya ng maliwanag na mga tagubilin na dapat silang lahat ay bumaling at sumunod sa Kanya. Read more…